Thursday, January 5, 2012

Christmas and New Year's Gifts

Before and After Christmas and after New Year I have received the prizes I won from different blog giveaways! Lucky me then. HAHA! Anyhow, thank you amazing bloggers for these amazing products.

H&M Scarf from JP Singson, Skin Food Sample kit from Chic and Sassy Mom, Garnier Products from GarnierPH's promo on Twitter, HBC products thru CodenameAYA,  and FAB Manila Items from Arnie Villanueva.

Envelope clutch in my favorite color and sunnies case 


Garnier Gift Pack!
BB Roll-on and light cream

Facial masks I love and light facial scrub!

HBC gift pack

Natural, Beige, Light Mousse foundation.


And of course, the latest from Joana Cinco, clothes! :))
Skin Food sample kit, toner and moisturizer.

H&M scarf.

And what?? Today, I... (Sorry international blog readers but I have to narrate my story in my mother tongue.)
Just got home from a stroll, mall hopping, and window shopping at Makati! :> I strolled at Ortigas, I strolled at Makati. Next time, I should do a stroll around BGC! (Bonifacio Global City!) I shall before I have a car to be familiarize. :))
Ayy, true! Kasi dapat kukunin ko lang yung Garnier package ko sa may Ayala Avenue. Nung nagsesearch ako papuntang headquarters ng Garnier na Netbooster Asia sa Antel Bldg, sabi ko bahala na. Basta ang binigay nilang clue, sa likod sila ng PBCOM bldg.  Since nung summer, sumakay ako sa Gil Puyat-Buendia ng bus na dadaan ng Makati yun ulit ginawa ko. At yung bus nadadaanan nila yung Greenbelt at Glorietta. So back to my story, ang alam ko papuntang Antel, Salcedo St. Yun yung sabi ng Google sa direction, yun din sabi ko sa bus, Ayala-Salcedo. Ayon pa sa Google, 2nd right yun pagka-Ayala Avenue, e'di feeling ko nakalagpas na ng 2nd right. Nagstop yung bus, medyo matagal. Tumayo ako sa kinauupuan ko at diretso na sana bumaba, pinigilan ako nung driver at konduktor, "Ayy miss, di po pwede dyan." For seconds, blanko utak ko tapos back to reality, "Baka po hulihin po kayo dyan, umupo nalang po muna ulit kayo." Kabado ako kasi akala ko nga lagpas na, sige, gora lang sinunod ko sila Kuya. Yun pala for LOADING lang yung area na yun! Shz! Di ko alam na may ganun sa Makati, sorry naman. Nung one time kasi di naman ako sa Ayala Ave. napadpad e, tsaka nakasakay ako sa bus nun dati din so malay ko ba na may ganun. Sabi ko, sige dun na nga lang sa unloading. Ay ay ay, may katabi pala akong foreigner nun, (Wit na ko keme kahit malakas yung pagkakasabi nila Kuya na wag akong bumaba at narinig ng mga pasahero) nagtanong siya, Ingles malamang, "What happened?" I answered, "It's only for loading, well, I didn't know. I haven't been here before." Totoo naman, di pa ako nakapagcommute sa Makati na bababa na lang kung saan. So nice ang Makati for that! Thumsb up! For LOADING and UNLOADING area. Bear with me guys, haba ng translation ko ng day ko ngayon e. Napakaoverwhelming. So yun, ang nakikita ko nang kalye sa harap ko ay Paseo de Roxas, eh Salcedo nga ang nasa isip ko, "Nasaan na  ba yun, bakit di ko man lang makita yung street name?" So bumaba ako sa unloading area bago mag-Paseo. Di ko alam kung saan ako pupunta, didiretso ba ako pa-Paseo o babalik. Naglakad ako paharap, ay hindi, pabalik na pala. Sige, lakad. Tingin-tingin, tapos nakita ko sa kabilang side yung PBCOM, ayun! Tawid ako sa underpass, lakad ako sa gilid. "Sabi sa likod asan na?" Eh nasa gilid pa lang ako nun, pabalik na sana ulit ako o padiretso. Naliligaw na e. Sige, liko nga ako. "Bahala na." Lumiko ako sa likod na mismo ng PBCOM yun, tapos yung pace ko parang sumisilip-silip hanggang may makitang Antel. May nakikita akong A- AN- "Ayun, Antel! Parang familiar. Nasaan na pinto nito, sabi likod?" E lumiko nanaman ako sa gilid, "Anak ng nasa gilid naman pala e. Teka, familiar talaga. Aaah! Dito nagparty yung BSS and MES noon. Tama!" Akyat na ako and I claimed my prize! Wheee!

So sabi ko nga di ba, since nagbus ako, nadadaanan nila Greenbelt and Glorietta, "Sige nga, mag-eexplore ako." So susundan ko yung dinadaanan ng bus, pero dahil wais ako, may shortcut kahit na di ko alam kung ano na dinadaanan ko at di ko na makita ang main avenue kung saan ako nanggaling. Little did I know nasa Ayala Tower na ako, Ayala Triangle. Sige naman ako. "Ahhh, eto pala yung Ayala triangle. Now I know! Wow, ang daming kainan. (Nagugutom ako. Nanunuyot na lalamunan ko.) Lakad lang. Hanggang may narating akong underpass tapos overpass tapos papunta na palang Greenbelt yun! Swear! Dire-diretso talaga lakad ko, kung saan mapadpad. "Ahh, eto pala yung Greenbelt, sige ikot ako." Pasyal naman si ako. Lintek! Pinaghiwa-hiwalay pa. At yun, tumambay ako sa Power Mac Center sa gumamit ng displayed Ipad2, nag-Instagram, nagtweet ng sale na stores na halos naman yata lahat e sale, at pumicture sa Ipad2 pero delete-delete din.  Ang haba ng nilakad at inikot ko ah. As in from top floor, dulo to dulo then pababa ng pababa. Sulitin na. Minsan lang naman ako pumunta dito at first time ko except sa Greenbelt2 noong nag-Barcino ako with Rovie and his boyfriend and company.

Tapos na ako mag-Greenbelt, nakalimutan ko kung paano pumunta sa Glorietta, balik ako sa overpass papuntang Greenbelt kasi andun yung mapa, tingin naman ako. "Ah ayun! Sa likod ng Landmark!" Pangalawang balik ko na pala yun kasi papunta na akong Landmark pero naghesitate ako, "tangits, saan dito yung Glorietta?" Alam mo naman Makati, matatayog ang gusali at nagsisitaguan kaya mahirap hanapin. Yan yung time na narealize ko, "Guuuh! Bahala na. Balik na nga lang ulit ako at dumaan sa gilid ng Landmark." Pabalik na ako, may nagppromote na GreenPeace. Medyo alam ko yung org, inalok ako, i-smile lang ako. Ang bagal pa ng lakad ko, "Sige na nga, balik ako! Volunteer daw e. Wow! Maganda 'to, I'm doing something good for my country." Balik naman ako, "Ano po iyan?" Ayun, nag-brief yung babaw kung ano yung ginagawa ng GreenPeace, nakikinig naman ako pero gusto ko na yung part kung paano magvolunteer ayan na! "...pwede na po kayong mag-member, may credit card po ba kayo kasi yun lang po yung pwede naming tanggapin para ma-assure talaga yung volunteerism." " Yun na nga ba sinasabi ko e, wala akong credit card o anumang card." Gora ako after. Nasa overpass na ako papuntang Landmark, oo pumasok ako! Di ko sinunod yung sinabi ko na dumaan sa gilid magaling ako. Di ko na inikot yung Landmark since medyo alam ko nanaman yung mga binebenta doon, hanap ko talaga yung mag boutiques at sosyaling mall at stores, speaking of nakita ko ang Balenciaga at Hermes store sa Greenbelt. Wow ah. Tapos LV and Gucci nung patawid na ako sa Landmark. LOLs. Nasa labas ba naman kasi ang mga entrances nila. Sige, Landmark, bumaba ako instead umakyat. Saktow! May labasan at yun yung Glorietta sa tabi. Tawid ako. Nakapasok na. "Whaaat! Ano 'tong nakikita kong Glorietta3?" Tapos sa kabilang gilid 4 naman. "Walangya nanaman oh. Pinaghiwalay pa." Lakad lang, at dahil feeling ko nga e gutom at dehydrated ako, bumili ako ng Zagu.

Nung naikot ko na up and down yung Glo, tapos na. Tumawid ako sa SM. Aba, parang nagmall hopping ako. HOPPING talaga, magkakatabi lang. Pero since alam ko na din ang laman ng SM hinanap ko nalang ang daan pauwi at nagbus nalang ako sa Edsa-Ayala. Biruin mo, from Ayala Avenue- Rufino St. to Edsa-Ayala tapos paikot-ikot at pabalik-balik pa ako sa malls nun, ilang kilometro kaya nalakad ko? Estimated ko nga more or less 10 kilometers. Bwahaha! :)

Okay na rin sana yung lakad ko kanina. Kaso wala talaga yung capturing the moment. Dun ako kulang na kulang e. :| Regaluhan niyo naman ako camera oh.

What a long story, Marie. Thank you for sharing!